17 November, 2012

Putol

ni: Michael Coroza


May kanang paang
                                    putol
sa tambakan
ng basura.
Naka-Niké.
Dinampot
ng basurero.
Kumatas
ang dugo.
Umiling-iling
ang basurero’t
bumulong, “Sayang,
wala na namang kapares.”




Uhm.. ewan ko pero ang weird kung bakit nagagandahan ako sa tula na ito.

No comments:

Post a Comment