Halos mag iisang buwan palang akong nasa 2nd sem pero bakit ganun parang feeling ko ang tagal-tagal na? Not in a sense na antagal na namin mag-kakasama pero parang ambagal ng oras. Siguro nga ganun talaga pag ayaw mo isang bagay parang the more na gusto mong matapos mararamdaman mo na ang bagal-bagal ng oras samantalang paggusto mo ginagawa mo isang kisap lang ng mata tapos na agad.
MISS KO NA KAYO!!!!!
Hindi ko alam kung bakit namimiss ko kayo. Siguro dahil hindi kami close ng block ko ngayon dahil start palang ng sem o sadyang feeling ko hindi kami magiging close dahil meron na silang ibang friends hindi katulad dati back to zero tayo lahat. Hindi ko alam ko anung tawag ko sa naramdaman ko naOOP ba? ewan may kasama naman ako pero iba parin, siguro nga naghahanap lang ako ng taong makakaclose. Sadyang nalulungkot lng talaga ako.
Nalulungkot na nga ako tas napakabigat pa ng loob ko. Ung tipong andami kong iniisp tas araw-araw pag-uwi ko pagod na pagod ako (Maglaslas n lang kaya ako?) kahit parang wala naman ginawa sa school. Hindi ko alam kung anu nararamdaman ko basta parang gusto kong umiyak na hindi O sadyang naste-stress lang ako sa school works? Nung high school naman masmarami pa kong nakakapagod na ginagawa eh..
Nagaalala ako sa grades ko utang na loob andrew ang GC mo next year pa un. Siguro dahil sa nangalahati ung scholarship kaya nagkaganoon. Idagdag pa dito ung feeling na lagi kang binabantayan ng isa mong kaklase sa lahat ng ginagawa mo? o sadyang ako lang nanaman un. Ewan ko ba kung bakit ayako sa kanya, hindi ako naiinis o galit. Ayako lang talaga siya ka-interact kaso pagnagtatanong siya nakakaintimidate. Ang yabang kasi ng dating pagnagsasalita siya na gusto niyang patunayan na napakatalino niya. Ang medyo nakakatawa lang doon patuloy parin ung pagyayabang niya sa harap ko, sa akin pa na alam ang mga kalokohan niya noong first sem. NEXT... Ung Pe practicals namin masaya ako sa grades namin dahil mataas kahit kalokohan lang ung ginawa namin. Nanghihinayang ako dahil alam kong hindi ako nageffort, hindi naman sa nagyayabang ako pero alam ko sa sarili ko na meron pang mas-igaganda ung performance namin. Pero ang main concern ko ung mga kagrupo ko, feeling ko naiinis sila sa pinakita kong pag-uugali nung practice puro kalokohan, tas sa tingin ko medyo naiinis talaga ung isa kong kagrupo nung sinabi kong palitan niya ung step kasi mahirap (mahirap naman talaga kasi eh.. )
Un lang......
Feeling ko, puro na lang feeling ko! Tama naman un ung title eh.... pero hindi naman lahat ng nararamdaman ay tama! Anu daw? parang mali
Sa ngayon.....
Nagsisisi ako sa block kong Pinili
siguro pagdaan ng oras eh.. mapapamahal rin ako sa kanila
kaya gustong bawiin ang sinabi ko,
pero sa ngayon yan talaga nararamdaman ko

No comments:
Post a Comment