24 November, 2012

A note from someone...

I wish that you would grow already......

Magmature ka na...
Wag kang matakot tumayo sa sarili mong mga paa..
Wag ka mahiya bumili mag-isa.
Wag kang kabahan sa bawat pagsakay mo.
Wag ka matakot magbayad.
Wag kang matakot sa pagbabago.

Huwag kang  umasa sa kapwa mo.
Tanggapin mo ang tulong nila.
Pero huwag mong abusuhin.
Tandaan mo hindi habang buhay andyan ang mga kaibigan mo.
Hindi man ngayon pero aalis rin sila.
Kaya Ingatan mo sila.
Pasayahin mo sila.
Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon.


Mag-patawad ka
Tao ka lang rin
Kaya wala kang sapat na dahilan
Upang hindi magpatawad
Alalahanin mo ang magaganda niyong pinagsamahan.

"Sapat ba ang isang pagkakamali para sirain 
kung anung meron kayo?"


Parte ng buhay ang pagkakamali.
Hindi ka perpekto.
Pero matalino ka.
Itama mo ang iyong mali.
Matuto ka.

Mag-aral ka mabuti.
Hindi ka habang buhay na sa paaralan.
Maraming dahilan para mapagod
Pero wala kang karapatan.
Tandaan mo sila....
Sila na nag-papaaral sayo.

Lagi mo kong tatandaan.
Ako na nagsulat nito.
Si Andrew....
Si Andrew na nagsulat nito.




No comments:

Post a Comment