HAPPY NEW YEAR!!!!
Bagong taon na, panahon na ulit para mag nilaynilay sa mga kalokohan kong ginawa ngayong 2012. Maraming naganap sa taon na ito. Maraming firsts, maraming nakilalang bagong mga kaibigan, maraming problema, maraming blessing, maraming dumating meron din ibang umalis, maraming lessonS. Basta sa sobrang dami siguro hindi ako matatapos kung babanggitin ko pa lahat. Kahit patapos na ang taon na ito patuloy pa rin ang buhay. Naalala ko tuloy ung doomsday 2012.12.21 hahahha comedy oh well.. wala ako pakialam.
Mayroong mga oras na sobrang masaya. Un ung mga oras na tipong gusto ko ng tumira doon habang buhay. Nawawala sa isipan ko ung ibang bagay. Feeling ko kasi wala na akong mahahanap na mas magandang kalagayan. Meron ding pagkakataon na gusto mo balikan ung oras. Ito ay para itama ung mga pagkakamali mo. Alam mo yun ung mga pagkakamali natin sa mga desisyon sa buhay? Minsan hindi natin iniisip ung ibang tao o bagay, nagiging makasarili tayo at dahil dito minsan pa ay nakakasakit tayo ng hindi nati nalalaman. Andyan din ung panahon na hindi natin pinagtutuonan ang ibang bagay sa pagaakala na sobrang liit lang ng halaga nito, kaya un kapag nawala na saka lamang makararamdam.
Sa mga pagkakataon na sobrang daming problema ung tipong hindi pa tapos ung isa meron nanamang bago, Nakakapagod rin no? Minsan gusto mo muna tumigil at magpahinga. Alam mo un? ung wait lang di ba? hindi ko naman gusto takasan eh... Kaso hindi pede kasi nga tumatakbo ang oras.
Eto ako ngayon nganga nang huhula kung anong magaganap sa susunod na taon. Ang taon na magiging legal na ko. Tanda ko na XD. Masayang mangarap sa mga bagay na mangyayai pati sa mga susunod na mga taon. Pero mahirap din dahil masakit ang umasa kaya un hindi mo alam kung saan ka lulugar. Ewan XD basta.. Happy new year na lang ulit :))

No comments:
Post a Comment