11 January, 2013

Fall from Grace

Hi! Blogatog brunto

Naalala mo pa ba ung kwenento ko sayo last time? Ung planner na gustong-gusto ko nang gamitin. Ginagamit ko na siya ngayon. Hindi naman talaga ako mahilig magplano eh.. kaya un parang non-sense din siya. Pero ginagamit ko siya hindi nga lang para sa talagang purpose niya. 
Before mag end ung 2012 me nabasa akong post somewhere. Binigyan nga niya ako ng idea eh.. Parang ganito ung laman:
Starting january ng 2013 isusulat mo sa kapirasong papel ang lahat ng mangyayaring maganda sayo everyday. Tas ung mga papel nato ilalagay mo sa kahit anong lalagyan, e.g. bote, para hindi mawala. Tas by the end of the year pede mo ng buksan.  gaano kaya karami ung laman nun :)
Yun nga,s o naiisip ko napakatamad kong tao para gumawa nun then nalala ko ung planner XD. Ganun na nga ang ng yari sa planner.

Simula noong ginawa ko un, naappreciate ko halos lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Ung mga simpleng bagay na nakakapagpasaya sa akin, ung mga bagay na nagpapadali ng buhay ko. Marami special na ngyayari araw araw. Pero noong una lang to. Ngayon parang naliligaw na nga ko, nahihirapan ako makita ang kagandahan ng mga nagyayari. Hindi ko alam kung bakit pero wag naman sana dumating sa point na wala na akong maisusulat na maganda.

No comments:

Post a Comment