Balak ko talaga mag palit ng layout eh.. kaso nakakatamad hahaha Bat ganun puro na lang katamaran ang laman ng blog ko hahahha anyways. Wala talaga akong balak magpublish ng bagong blog entry pero feeling ko kasi obligasyon ko to. Go lang XD Kahit wala naman talaga ako sasabihin dahil paulit-ulit lang naman ung ginagawa ko ngayong Christmas break.
TULOG~~~~> KAIN~~~~> BASA~~~~> KAIN~~~~> NUOD~~~~> KAIN~~~~> TULOG
Cycle yan xD
Tapos mamaya pasko na... Ewan, hindi ko na masyado feel ung pagpapasko. Siguro nga dahil wala na kong natatangap na regalo galing sa mga ninong ninang ko. Hindi na uso magregalo pag malaki na inananak mo eh... xD Pero hindi parin, siguro dahil boring lang hindi katulad nung mga nakaraang pasko na umaalis kami ng bahay pumupunta sa kamag-anak. nakakamiss din ung mga ganun. Ung meron kang inaabangan.
Sana nasa lumang bahay parin kami ngayon at dun magpapasko, ung bahay na malapit sa mga high school friends ko. Kasi naman ngayong college halos lahat ng mga kasama ko sobrang lalayo ng bahay tas ung iba umuwi pa sa probinsya nila. Alam mo yun? Masarap gumala pagkasama mo friends mo kahit walang pera XD.
Kahapon pala bumili ako bago libro :) nagfefeeling bookworm hahaha. Pede ko rin namang naman basahin ung libro sa pdf pero iba parin paglibro eh xD Excited na ko matapos ung libro na hindi. Magulo no!? kasi naman pagnatapos mo nganga na hahaha. At isa pa gusto ko na rin gamitin ung planner hahahaha perstime eh... sana magamit ko ng maayos i mean hindi ko kasi alam talaga kung pano gamitin un eh.. oh well.. looking forward :)) Basta excited ako
MERRY CHRISTMAS!!!
No comments:
Post a Comment