09 December, 2012

A Day in My Life

Recently masyado kong pinoproblema ung pera. Kaya ung may nagabot ng flyer sa labas ng school tungkol sa partime job ayun pinatulan na sayang naman eh.. So ayun kasama ko ung dalawa kong kaklase, tinawagan namin ung contact no. at may lalaking (tawagin natin siyang kuya A) sumagot. Nagtanung kami tungkol sa nature of work tas ang sabi ni kuya mag-eencode daw at magaasisst ng client. So ayun Nagtanung pa kami ng mga ilang  tanong at sabi niya magkita na lang kami para sa orientation. Sinet niya ung meeting place namin sa Robinsons Galleria, okay na sana pero mali pala kami ng napuntahan na Robinson XD naging comedy pa tuloy, moving on so humingi kami ng pasensya kay kuya A dahil naligaw nga kami tas sabi niya hihintayin niya parin daw kami dun. Ewan ko pero parang nagalangan na ako nun pero basta. Nagadventure muli kami at this time tama na ung napuntahan namin . Tas nagkita na nga kami tas dinala niya kami dun sa office. Pagdating namin ewan ko, parang hindi office yun eh.. ewan basta xD. Maraming mamahaling kotse siyang pinakita at pinakilala niya rin ung ilang may-ari. Sinabi niya na millones ung kinakita nung ibang nagtratrabaho sa companya. 

Marami siyang pinakilala, iba-ibang klase ng mga tao. basta pareparehas lang sila ng gustong sabihin sumali kami. Ewan ko pero dumating sa punto na gusto kong sumali na pero meron kasing problema ung membership fee. Napakaganda kasi ng sinasabi nila para bang nakakaenganyo, totoong nakakasilaw. Pero alam mo yun nag-iisip parin ako kung ano talaga gagawin ko. Hanggang ngayon nagiisip parin ako. Pero alam mo ung me bumubulong deep inside my mind ituloy kahit wala akong pang membership, na gumawa ako ng paraan, kahit na hindi magandang paraan.

Ang galing nila basta ang hirap i-explain. Ewan ko mali kasi ung dating nila pero nakakahikayat. Arrggghhh... Nalilito ako, once for all i need to decide....

Oh.. matalinong andrew sapian mo ko xD

So ayun nga, nagbasa-basa rin ako ng ilang reviews tungkol sa company na un (ayakong pangalanan) medyo hindi maganda pangalan nila. Ewan ko hindi ko naman sinasabi na scam un pero alam mo un? nung inexplain nila ung paraan kung paano kumikita medyo nag-alangan ako. Sabihin na nating me products sila pero sa tingin ko ung focus nila eh.. networking (tama ba? basta un na un ung me upline saka downline) at matalino naman ako para mapansin na pinapaikot lang nila ung pera mula sa mga ma rerecruit galing sa membership fee. Ewan pero that's not my point. Ang pinaka nakakainis sakin, mukha silang pera. ewan ko basta ganun. Totoong mahalaga ang pera at hindi masama maghangad pero alam mo un parang nabubuhay lang sila para kumita? Tas gusto pa nila ipamukha na naging milyonaryo ung walang pinagaralan FUCK. Mali eh... parang sinasabi nila na wag na kami magaaral. Na mas malaki pa kinikita nila sa mga professional, para sakin hindi nila deserve ang kintatayuan nila kung sino man sila. pareparehas lng silang mukhang pera. Kahit balibaligtarin mo para sakin ang pangit ng pananaw nila sa buhay. 

Alam mo un naramdaman ko kung gaano ko kagusto magkapera kanina kung gaano nakakainggit pero ung nakikita mo ung pananaw nila sa buhay na para bang nabubuhay na lang para sa pera. Natutunan ko makuntento sa kung anong meron ako....

"If you want to know what God thinks of money, just look at the people he gave it to."

No comments:

Post a Comment